"Naglaway" ang mga barakong netizen kina Ivana Alawi at Kylie Verzosa sa kanilang mga Instagram post, suot ang kani-kanilang mga bikini.
Si Ivana, flinex ang kaniyang kaseksihan suot ang orange bikini para sa kaniyang "birth month" ngayong Disyembre.
"Hello birth month," caption ni Ivana sa kaniyang IG post.
Samantala, si Kylie naman ay may pasilip sa pisngi ng kaniyang wetpaks.
"Much needed break before headed back to work," caption naman ni Kylie, na kamakailan lamang ay nanalong "Best Actress" sa naganap na 2022 Distinctive International Arab Festivals Awards para sa pinagbidahang pelikulang "The Housemaid".