Tila dismayado umano ang komedyanteng si Dennis Padilla kay ABS-CBN news anchor Karen Davila dahil halos dalawang buwan na raw ang nakalilipas subalit wala pa rin ang ipinangako nitong panayam sa kaniya, kaugnay ng mga naging rebelasyon ng anak na si Julia Barretto sa vlog nito.

Matapos ang naging panayam ni Karen Davila kay Julia, mukhang hindi ito ikinatuwa ng ama ng aktres.

Sa vlog na ito, hayagang nagbigay ng ilang mga impormasyon at detalye si Julia sa pinag-uusapang ugnayan nilang magkakapatid, sa kanilang amang si Dennis.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/16/julia-barretto-hindi-pa-handang-patawarin-ang-amang-si-dennis-padilla/">https://balita.net.ph/2022/09/16/julia-barretto-hindi-pa-handang-patawarin-ang-amang-si-dennis-padilla/

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang naging palaisipan sa mga netizen kung bakit hanggang ngayon, parang dine-dedma si Dennis ng mga anak nila ni Marjorie Barretto. Nagkasagutan pa nga sa social media sina Dennis at ang anak niyang lalaki na si Leon.

Nagpakawala ng sunod-sunod na Instagram posts si Dennis matapos ang panayam, na direktang ipinatutungkol sa mga anak. Tila wafakels na rin ang komedyante sa anumang mga sasabihin o ikokomento ng mga netizen. Kasama sa tinawag niyang atensiyon si Karen.

"Ako ang dapat takbuhan mo Julia…. I defended you pero nagalit pa kayo sa akin… Sobra kayo…. Ano etong mga kwento mo kay Karen?? @genepadillaaaa @jenny_ontheblock @juliabarretto @Claudia @danibarretto," saad ni Dennis na naka-tag pa sa social media accounts ng kaniyang mga anak.

"Ang buong bahay ko… ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo Julia… ano pang revenge ang gusto n'yong gawin? Lahat ng blessings nasa inyo na… humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko… ano pa gusto n'yo?…. pati kay Gerald (Anderson) humingi ako ng apology… ano pa?"

Binanggit pa ni Dennis ang kaniyang yumaong amang si Dencio Padilla at ang inang si Catalina Baldivia. Lagi raw kasing naririnig ni Dennis na mabuti na lamang daw at namana ng mga anak ang kaniyang pisikal na anyo sa mga Barretto.

"Si Dencio Padilla a.k.a. Esteban Baldivia… Lolo mo 'yan… siya owner ng apelyido natin Julia, Claudia at Leon… Pati si Dani ginamit 'yan noong maliit pa siya… Pati sa school… fyi po….@juliabarretto @Claudia @danibarretto @theleonbarretto."

"Lagi n'yong sinasabi na maganda ang lahi n'yo… bakit pangit ba Lola Lina n'yo??? Helloooo!!!!"

"Kalahati ng dugo n'yo… amin galing…"

"Si Catalina Dominguez Baldivia… mother ko po… lola nila Julia, Claudia at Leon… pangit ba siya???"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/18/dennis-padilla-nanggigil-sa-anak-na-si-julia-barretto-matapos-ang-panayam-kay-karen-davila/">https://balita.net.ph/2022/09/18/dennis-padilla-nanggigil-sa-anak-na-si-julia-barretto-matapos-ang-panayam-kay-karen-davila/

Sa iba pang Instagram post ay tinawag ni Dennis ang atensyon ni Karen Davila at nakiusap dito na kailangan siya nitong kapanayamin upang maipaliwanag naman ang kaniyang panig.

"@iamkarendavila… You better interview ME… para di one sided…. Wag ganun!!! @iamkarendavila," ayon sa isa sa mga Instagram post ni Dennis.

"@iamkarendavila… Usap tayo Karen…. Wag ganun…"

Iginiit ni Dennis na kailangan siyang kapanayamin ni Karen dahil may ilang mga detalyeng binanggit si Julia na hindi umano nito alam, katulad na lamang sa biniling townhouse.

"Pls be fair to all… You need to interview me… Maraming mali sa alam ni Julia… Waiting sa reply mo ty."

Agad namang tumugon si Karen Davila sa panawagan ni Dennis.

"Good Morning Dennis! Just saw this…. texted you back just now."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/18/pls-be-fair-to-all-dennis-padilla-tinawag-atensyon-ni-karen-davila-nanawagan-ng-panayam-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/09/18/pls-be-fair-to-all-dennis-padilla-tinawag-atensyon-ni-karen-davila-nanawagan-ng-panayam-sa-kaniya/

Batay sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay Dennis, hanggang ngayon daw ay wala pang inilalatag na plano sa kaniya ang batikang news anchor.

Kuwento pa ng komedyante, tinawagan daw siya ni Karen matapos niyang pukawin ang atensiyon nito. Grabe raw ang naging mga posts niya. Katwiran naman ni Dennis, pakiramdam daw niya ay one sided ang panayam kaya kailangan ding marinig naman ang kaniyang panig.

Pumayag naman daw si Karen kahit na kaibigan nito ang dating misis na si Marjorie Barretto.

Ngunit lumagpas na raw ang press conference ng "Maria Clara at Ibarra", wala pa ring paramdam sa kaniya si Karen.

"Shinowbiz din niya ako! Pero kung nagkaharap kami ni Karen Davila, ako, kaya kong tumingin nang diretso sa mata niya. Ang problema niya, siya ba, kaya niyang tumingin sa akin? Kahit Karen Davila ka, manliliit ka sa akin kapag nagkita kami dahil sasabihin ko sa kaniya, ‘Journalist ka, eh. You have to weigh things. Eh, bakit ni-one side mo ako?'"

Inalok pa nga ni Dennis na siya na lamang daw ang magsadya sa bahay ni Karen para lang mangyari ang interbyu.

Sagot daw sa kaniya ng award-winning broadcaster, "threatening" daw ang sinasabi nito sa kaniya.

"Sabi ko, ‘Threatening ? Anong threatening doon? Dadalawin kita sa bahay para kausapin ka? Anong threatening doon?’" sey naman daw ni Dennis.

Sa ngayon daw ay wala pang tugon sa kaniya si Karen.

Bukas ang Balita Online sa panig ni Karen Davila hinggil sa isyu.