Ipinasilip na ng dating kalahok ng "Miss Q&A" at naging celebrity housemate ng "Pinoy Big Brother" na si Brenda Mage ang resulta ng pinagdaanang nose job operation na ibinahagi niya sa kaniyang vlogs.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/25/new-look-ni-brenda-inaabangan-na-matapos-magparetoke-ng-ilong/">https://balita.net.ph/2022/11/25/new-look-ni-brenda-inaabangan-na-matapos-magparetoke-ng-ilong/

Kasama ang kaibigang si Jig Jag, sabay na sumalang sa isang life-changing na pagpaparetoke ang komedyante.

Noong Disyembre 1 ay tinanggal na ang tahi sa gilid ng ilong ni Brenda at ipinakita na niya ang resulta.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inamin ni Brenda na nakakatanggap siya ng lait mula sa bashers na parang wala naman daw nagbago sa kaniyang ilong, ganoon pa rin daw ang hitsura niya.

Bagay na dinepensahan naman ng komedyante.

"Sa mga nagsasabi diyan na kesyo wala namang nabago, malaki pa rin (ilong), hindi po ako nagpalagay ng implant, wala po akong ipinalagay na silicon carne diyan, wala pong inilagay diyan… nagpa-trim lang po ako rito," turo ni Brenda sa gilid ng kaniyang ilong.

"Nilagyan ng konting bridge pero ang purpose ko lang talaga ay medyo lumiit… lumiit naman pati butas."

&t=563s

Nagbiro pa si Brenda na baka sa susunod daw, sa "ibaba" na niya ang ipatanggal niya.