Ibinahagi ng Viva actor na si Benz Sangalang na may nilulutong proyekto sa kaniya ang nabanggit na talent agency at movie production company, para sa kanila ng kontrobersiyal na aktres na si AJ Raval, na kamakailan lamang ay iniisyung buntis at nanganak na raw noong nakaraang buwan (Nobyembre).

Karamihan sa mga pelikulang kinabilangan ni Benz ay mapapanood sa Vivamax, ang online streaming app ng Viva. Makikita sa Instagram post ni Benz na nagsagawa sila ng face-to-face meeting nina AJ, big boss ng Viva na si Vic Del Rosario, at manager niyang si Jojo Veloso.

"Meeting for upcoming projects with @ajravsss boss vic and and our manager Jojo Veloso," aniya sa caption.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

KItang-kita naman sa litrato ang fresh na fresh na si AJ at kapansin-pansing nakasuot siya ng itim na damit na pinatungan niya ng blazer. Nakatakip din ang kaniyang kanang kamay sa bandang tiyan. Sa kabila nito, hindi maitatatwang pansin pa rin ang maliit at balingkinitang hubog ng kaniyang katawan. Makikita rin ito sa IG account ng aktres.

Isang netizen naman ang nagkomento sa litrato.

"Baka mabinat si aj!" anito.

Hindi naman tumugon dito si Benz o maging si AJ.

Hanggang ngayon, abangers pa rin ang publiko sa mga magiging sagot ni AJ kung totoo ba ang mga ibinabatong espekulasyon sa kaniya.