Bumanat ang kilalang online influencer-vlogger na si Toni Fowler sa mga nagsasabi raw sa kaniya na mas bet daw at namimiss nila ang dating Toni Fowler.

Kamakailan lamang kasi ay ibinahagi ni Toni ang video sa kaniya ng jowang si Vince Flores kung saan makikitang namamaga ang kaniyang mukha, dala marahil ng procedure na kaniyang pinagdaanan. Kapansin-pansing kumapal nang bahagya ang kaniyang mga labi.

Pagdidiin naman ni Vince, kahit namamaga raw ang mukha ni Toni ay patuloy pa rin niya itong mamahalin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kabilang banda, may mga nagsasabi raw kay Toni na namimiss na nila ang "dating Toni", o noong hindi pa siya masyadong nagpapa-"Salamat po, Dok".

"‘Nakakamiss yung dating Toni’."

"Comment ng mga taong mula noon di naman ako bet. Memacompare lang," ani Toni.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Nakakamiss yung totoong maganda at sexy na Toni. Ngayon kasi binobola ka na lang ng mga tao kahit di ka naman sexy ang pepeke ng mga tagahanga mo mga bulag o ano… Sobrang di maganda ang katawan mo now sa totoo lang nasobrahan na parang dalawang bola ang pinasok sa puwet na super fake tingnan. I love the old looks."

"Mas bet kita ngayon… nakakamiss lang yung kulitan n'yo ni biiiiiiiiii…"

"Tama na kasi pagpaparetoke di na po kasi maganda makontento ka na po sa kung anong meron ka ngayon!!"

"Nakakamiss man 'yong dati, pero di na mababalik pa… kung saan ka man masaya ngayon, ok lang po support po kami sa inyo."