Sa ikalabing isang pagkakataon, muling napili ng latest winner sa game show na "Family Feud" ang Angat Buhay (Angat Pinas, Inc.) na pinamumunuan ng dating bise presidente Atty. Leni Robredo.

Sa episode ng Kapuso game show na umere noong Miyerkules, Nobyembre 30, 2022, naipanalo ng pamilya ng aktor na si Axel Torres ang jackpot round dahilan upang mag-uwi sila ng 200,000 pesos na matatanggap ng kanilang chosen charity na Angat Buhay.

Larawan mula sa FB ng Family Feud

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Larawan mula sa FB ng Family Feud

Tuwang-tuwa naman ang mga tagasuporta ng nasabing non-government organization.

“Mapagkakatiwalaan kasi ang Angat Buhay,” lahad ng netizen.

“Ang katotohanang di maikukubli maraming nagmamalasakit na handang tumulong pag nakikitang tapat at hindi kurakot ang mamumuno,” dagdag naman ng isa pa.

Matatandaang Angat Buhay rin ang naging benepisyaryo nang manalo sa game show ang pamilya ng celebrity dermatologist at cosmetic surgeon na si Manny Calayan, gayundin ang NCAA Courtside Cuties reporters, at iba pa.

Mapapanood ang Family Feud mula Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA 7.