Nag-duet ang dati at kasalukuyang "Magandang Buhay" hosts na sina Karla Estrada at Regine Velasquez-Alcasid sa pagdiriwang ng kaarawan ng "It's Showtime" host na si Ion Perez, na inihandog sa kaniya ng partner na si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda.

Proud na proud na flinex mismo ni Karla ang video nila ni Ate Reg sa kaniyang Instagram account.

"Kahit isang kanta lang! Karangalan at katuparan ng pangarap ko maka-duet ang aking idol! @reginevalcasid Thank you idol! Love you!!!" caption ni Karla sa kaniyang IG post noong Nobyembre 29.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang "pinagsabong" ng mga netizen ang dalawa dahil sa pag-alis ni Momshie Karla sa Magandang Buhay at permanenteng pagpalit naman sa kaniya ni Ate Reg, na karelyebo lamang niya.

Samantala, matatandaang naging emosyunal si Ion sa kaniyang birthday wish, nang ipagdiwang ng noontime show ang kaniyang kaarawan.

Ang wish niya ay para sa kanilang co-host na si Vhong Navarro at sa kaniyang ateng may stage 4 cancer.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/27/ion-perez-may-dalawang-birthday-wish-na-nagpaluha-sa-madlang-pipol/">https://balita.net.ph/2022/11/27/ion-perez-may-dalawang-birthday-wish-na-nagpaluha-sa-madlang-pipol/