Ipinakita ng isa sa mga segment writer sa ABS-CBN na si Darla Sauler ang litrato nila ni Queen of All Media Kris Aquino matapos niya itong dalawin sa Amerika kung saan ito nagpapagamot sa mga sakit.

Ito ang recent update kay Kris simula nang mag-hiatus ito sa social media dahil nga sa kaniyang medikal na kondisyon.

"You always make time for family," saad ni Darla sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 30.

"Happy to visit and catch up with you and the kids while you’re in the US, Krisy. Continuously praying for your well-being. Love, love, love you, Bimb and Kuya always, @krisaquino," aniya pa.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Maliban sa mga litrato ay wala nang ibinigay na update si Darla tungkol sa lagay ngayon ni Tetay.

Ang huling IG post ni Kris ay tungkol sa kaniyang mensahe para sa kaarawan ng yumaong amang si dating senador Ninoy Aquino.

Tila nagbigay rin umano siya ng "shade" sa balak na ilabas na pelikulang "Martyr or Murderer" kung saan mauungkat ang nakaraan nina Ninoy, dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., at dating First Lady Imelda Marcos.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/30/kris-aquino-may-pinariringgan-subukan-mang-baguhin-ang-kuwento/">https://balita.net.ph/2022/11/30/kris-aquino-may-pinariringgan-subukan-mang-baguhin-ang-kuwento/

Bukod doon, nagbigay rin siya ng kaniyang update kalakip naman ang litrato ng kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/24/kris-aquino-may-life-update-tuloy-ang-laban-bawal-sumuko/">https://balita.net.ph/2022/11/24/kris-aquino-may-life-update-tuloy-ang-laban-bawal-sumuko/