Sa kaniyang latest TikTok video ay muling nagbigay ng kaniyang paliwanag ang international Filipino fashion blogger at online personality na si Bryan Boy tungkol sa pangre-realtalk niya sa isang inang netizen na nanghihingi sa kaniya ng pang-gatas at pang-diaper ng kaniyang baby.

“Gusto sana kitang tulungan, pero hindi ako gumawa ng baby na ‘yan,” diretsang saad ng fashion socialite sa isang Facebook video, Lunes.

“Kung basic needs na nga lang ng anak mo, hindi mo ma-provide, anong gagawin mo kapag lumaki na 'yang bata na ‘yan?” pagpapatuloy ni Bryan Boy habang ipinuntong kailangang matugunan ang pag-aaral, pagkain, at iba pang pangangailangan ng bata sa hinaharap.

Sunod na diretsang payo ng online personality, “’Yun na nga eh, kung wala talaga kayong pera, ‘wag na kayong gumawa ng bata. And, wag na kayo magdagdag ng chanak sa mundo.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/28/bryan-boy-walang-awang-tumalak-sa-netizen-na-nanghihingi-ng-panggatas-pang-diaper-ng-anak/">https://balita.net.ph/2022/11/28/bryan-boy-walang-awang-tumalak-sa-netizen-na-nanghihingi-ng-panggatas-pang-diaper-ng-anak/

Umani ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Nakarating sa kaalaman ng fashion blogger ang iba't ibang kuda ng mga netizen, gayundin ang pagkakabalita sa kaniya sa Balita Online, kaya nagbigay ulit siya ng pahayag tungkol dito. Update pa ni Bryan Boy, siya ay nasa airport sa bansang Sweden at papunta sa bansang Egypt.

Pagdidiin ng fashion personality, hinding-hindi niya babawiin ang kaniyang matatalas na pahayag.

"Yung sa akin lang talaga, I will not gonna back down for what I have said," saad ni Bryan Boy.

"Hindi ko ho babawiin 'yan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naging isyu 'yan. I'm sure yung mga magulang diyan, alam naman nila siguro kung gaano kahirap magkaroon ng anak, 'di ba? Ang daming gastusin… ako nga wala akong anak pero alam ko kung gaano kamahal magkaroon ng anak."

"Tuition fee, pagkain, school supplies, from elementary to college… hospital bills… siguro sa buong buhay ng anak ninyo, milyon-milyon ang magagastos ninyo."

"Ako nga wala akong anak pero alam ko, na dapat kung meron kayong anak, dapat mabibigyan ninyo sila ng magandang buhay."

"Anong sey n'yo?" pahtatapos-tanong ni Bryan Boy.