Talaga nga namang tila nakalaklak ng tubig mula sa "fountain of youth" ang batikang aktres na si Alice Dixson, dahil kahit may edad na ay hindi naman ito makikita sa kaniyang hitsura at awrahan!

Sabi nga ng mga netizen, parang huminto na raw sa pagtanda ang aktres, lalo na sa bagong hair color niya ngayon, na flinex niya sa kaniyang Instagram account kamakailan.

View this post on Instagram

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Sa katunayam, ibinahagi pa ni Alice ang kaniyang naranasan nang maglakad siya sa isang sikat na mall sa Taguig City kung saan pinuri ng kaniyang "suki" ang buhok niya.

"Walking in Market Market when my suki said 'Ang ganda ng hair mo Alice, bagay sa 'yo!' Didn't realize how light & natural looking it has become," aniya.

Parang alam na ni Alice ang itatalak sa kaniya ng "favorite bashers" niya kaya inuunahan na niya ang pambabara sa mga ito.

"So my favorite bashers say 'Act your age'".

"You're too old for that."

"Blah x3 😛."

"Hahah, i think if I acted my age, I probably wouldn’t look this young," sey ni Alice. "Sorry not sorry," pahabol pa ng aktres.

Sa ngayon ay 53 anyos na ang magandang aktres na tila hindi nga talaga tumatanda!