Muling binalikan ni Daisy Lopez a.k.a. "Madam Inutz" ang kaniyang mga pinagdaanan noong hindi pa siya sumasabak sa mundo ng showbiz, at naunang sumikat dahil sa kaniyang bentang-bentang paraan ng online selling ng mga damit.

Sa kaniyang latest vlog, ibinahagi ni Madam Inutz na bagama't may nag-mine na sa kaniyang sumikat na "burol outfit", pinakiusapan niya ang bumili nito na isasauli na lamang niya ang bayad upang maibalik lamang sa kaniya. Pumayag naman ang nag-mine sa naturang damit.

Muli raw niyang kinuha ang naturang burol outfit dahil naniniwala si Madam Inutz na isa sa mga nagdala ng suwerte sa kaniya ang nasabing puting damit. Ito ang nagbigay-daan sa kaniya upang makilala nang husto sa social media, hanggang sa alukin siyang i-manage ni Wilbert Tolentino. At sabi nga, "The rest is history".

Ibinida rin ni Madam Inutz ang ipinatayong bahay na katas ng kaniyang pinaghirapan. Matatandaang iniregalo sa kaniya ito ni Wilbert noong nagsisimula pa lamang sila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hinding-hindi raw pakakawalan ni Madam Inutz ang kaniyang burol outfit kaya nakatago lamang ito sa kaniyang cabinet.

&t=23s