Isang emosyonal na mensahe ang ibinahagi ng aktres na si Iza Calzado para sa kaniyang ina na pumanaw 21 taon nang nakalipas. 

Ibinahagi ito ni Iza sa kaniyang Instagram kalakip ang throwback picture nila ng kaniyang ina. 

"Dear Mama, To be honest, I don’t have a lot of clear memories of my childhood. Photos like these help keep memories alive. They help keep you alive in my heart. Wish we had more photos, more time together," panimula ng aktres.

21 taon man ang nakalipas nang mawala ang ina, nararamdaman pa rin daw ni Iza ang paggabay nito.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"21 years now since you left this world, yet it seems like you always make sure I turn out well. I know a lot of what’s happened in my life are dreams you had for yourself and for me. When I experience those moments, I truly feel your guiding light," aniya.

Binanggit din ng aktres na magkakaroon siya ng anak na babae na kung ituring niya ay "little Mary Ann" at "little Iza." Nangako rin siya na kukuha siya ng maraming pictures kasama ang kaniyang magiging baby.

"As I prepare to become a mother, I ask for your continued guidance and support. This won’t be an easy ride but I know it will be an incredibly fulfilling one," sey niya.

"Pretty soon, I will have my own child. A little Mary Ann, a little Iza. Your dreams and mine coming together for this beautiful blessing. I promise to take lots of photos with my baby so she gets to keep those memories with her when the time comes for me to be with you again.

"Pero matagal pa yun ha, Ma. Pakibulong kay God please. Malayo pa ang lalakbayin ko at alam ko kasama kita dahil ang nanay, pumanaw man sa mundo, hindi kailan man iiwan ang kanyang anak. Ikaw ang nagpatunay nito. I love you, Ma."