Mukhang hindi pa huli ang lahat para kay Dwayne "The Rock" Johnson na ituwid ang ilang mga pagkakamali niya noong siya ay bagets pa, matapos niyang balikan ang isang sikat na convenience store na nasa Hawaii, na umano'y madalas niyang kupitan ng chocolate bars noong bagets pa lamang siya.

Mismong si The Rock ang nagbahagi nito sa kaniyang Instagram post noong Nobyembre 28, 2022.

"'Had to “right the wrong” back home in Hawaii after all these years 🙋🏽‍♂️🍫," ayon sa caption ni The Rock.

"Stealing Snickers + 7-11 = exorcising old demons."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Check out my last post so the meaning behind these images will make sense to you."

Kalakip nito ang mga litrato ng American actor na pinakyaw niya lahat ng panindang Snickers sa naturang convenience store, anuman ang variants nito.

Naki-selfie naman sa kaniya ang mga staff ng naturang convenience store.