Inamin ni Miss Universe Philippines 2020 at Kapuso actress-TV host Rabiya Mateo na sanay na siyang makatanggap ng below the belt na mga komento, noon pa mang Miss Universe stint niya, subalit pinalalagpas lamang daw niya ito.

Subalit, hindi sa lahat ng pagkakataon ay makapagtitimpi ang isang tao. Kagaya na lamang ng pagsagot niya sa komento ng isang basher na mukha raw siyang "cheap".

Kaya naman sa pamamagitan ng isang TikTok video ay sinagot ito ng beauty queen-turned-actress.

"Replying to @Ginzcorz In a world full of bullies, be kind," aniya sa caption.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"You know what, madam, miss or, hindi ko alam kung paano kita i-aaddress. You know what, you can be the most expensive-looking person but if you're mean or rude, or the way you think or talk to people is not right, I don't think na I want to be somebody like you," giit ni Rabiya.

"Ako, I'm proud of myself. I'm proud kung paano ako manamit, kung paano ako magsalita, kung paano ako makikapwa tao."

Pinagdiinan ng actress-TV host na hindi niya hinihiya ang basher dahil sa edad nito, kundi sa paraan nito ng pananalita patungkol sa kaniya.

"At baka isipin nyo po na shini-shame ko kayo because of your age, but hindi po ganon. But I hope, sa edad n'yo pong 'yan, marami na kayong natutunan sa buhay. And you should be a good example to your family, to your kids, to your apo kung meron ka na po. Dahil hindi ganyan dapat mag-act sa social media."

Tanggap umano ni Rabiya kung mukha nga raw siyang chipangga sa paningin ng naturang basher, subalit hinding-hindi raw siya bababa sa level nito.

"Marami na po kayong pinagdaanan sa buhay, I'm sure of that. And sana you chose to be a good person na makaka-inspire ng ibang tao 'di ba? Pero sige, bigay ko na lang po 'yon sa inyo. If I look cheap, pasensya na po. Pero I will never be somebody like you," kalmante subalit mabigat ang mensahe na saad ni Rabiya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/28/rabiya-mateo-humingi-ng-pasensya-sa-nang-okray-na-mukha-raw-siyang-chipipay/">https://balita.net.ph/2022/11/28/rabiya-mateo-humingi-ng-pasensya-sa-nang-okray-na-mukha-raw-siyang-chipipay/