Gusto nang sawsawan ni Queen Sawsawera RR Enriquez sa kaniyang vlog ang ginawang pag-flex ni "Pambansang Kolokoy" o Joel Mondina sa kaniyang bagong baby, na ibinalita naman ng isang online news site.

"Kahit ano pang sabihin ninyo sa anak ko, anak ko pa rin siya. Anak ko siya sa pagkakasala? Walang ganun! Hindi siya ibibigay sa akin ng Diyos kung kasalanan ang aking nagawa…", saad umano ni Joel sa kaniyang social media, na sa kasalukuyan ay hindi na makita.

Agad naman itong iniscreengrab ni RR at kinomentuhan.

"As a Sawsawera Queen I can’t wait to shoot my sawsaw vlog to this post kaya better to say a word now…"

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Mr. Pambansang Kolokoy!!! Blessings ang baby kahit ano pa ang mangyari because they’re innocent. But don’t justify your mistakes by telling everyone na cheating is a blessing ELBOW KITA KOYA YOU LIKE😂."

"Gigil much si Sawsawera Queen nyo," sey ni RR.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Joel Mondina tungkol dito.

Matatandaang ikinagulantang ng mga tagahanga at tagasuporta ni PK ang grand revelation niya na wala na sila ng misis na si Marites Mondina.

Inamin ni PK na may ibang babaeng dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Naisyu pa si PK sa singer na si Mystica matapos pag-usapan sa social media ang kanilang mga video. Ngunit nilinaw nila sa isang vlog na wala silang relasyon.