Itinanghal na "Best Couple of Metro.Style" ang tambalan nina KD Estrada at Alexa Ilacad o "KDLex" sa kauna-unahang "Star Magical Christmas" na ginanap sa Sheraton Manila Hotel noong Linggo, Nobyembre 27.

KDLex ang namayani matapos makakuha ng 68% online votes mula sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta. Bukod kina KD at Alexa, ilan din sa mga pinagpiliang tambalan ay sina Francine Diaz at Seth Fedelin o "FranSeth", Loisa Andalio at Ronnie Alonte o kilala bilang "LoiNie", at of course, sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na sikat na sikat bilang "KathNiel".

KD Estrada at Alexa Ilacad (Screengrab mula sa IG ni Alexa)

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Bukod sa pagiging Best Couple, sila rin ang nakasungkit ng special awards na "Best in Costume" sa male and female category. Inspirasyon mula sa "puto bumbong" at "bibingka" ang kanilang costume, na dalawa sa mga pagkaing sumisimbolo sa pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Pilipinas.

KD Estrada at Alexa Ilacad (Screengrab mula sa IG ni Alexa)

Kamakailan lamang, pinarangalan ang KDLex bilang "Asia's Most Promising Loveteam of 2022" sa 6th Asia Pacific Luminare Awards, na ginanap sa Okada Manila.

Nagsimula ang tambalan nina KD at Alexa sa "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition".

Isinagawa ang pinag-usapan at trending event bilang reunion matapos ang pagkakatigil ng pagdaraos ng events dahil sa kasagsagan ng pandemya, na dinaluhan ng mahigit 100 artists at talents ng Star Magic, ang talent arm management ng ABS-CBN.

Hindi lamang ito basta event dahil ang mga pondong malilikom dito ay mapupunta sa chosen charity ng Star Magic: ito ay "Anawim", isang shelter house para sa mahihirap at inabandonang elderly people na itinatag ng manunulat, preacher, at founder ng "The Feast" na si Bo Sanchez, na matatagpuan sa Rodriguez, Rizal.

Talaga namang nagpasiklaban ang Star Magic artists at Kapamilya stars na imbitado rito, kabilang na ang kapapanganak lamang na si Angelica Panganiban, na nag-iwan naman ng words of wisdom sa mga baguhang artista. Isa pa sa mga nagbigay ng kaniyang paalala ay si Dimples Romana.