Kinuwestyon ni Kapuso star Jennylyn Mercado ang isang sikat na supermarket na may membership fee ang pamimili dahil sa hitsura ng karne ng baboy na nabili nila rito.

Batay sa litratong ibinahagi ni Jen sa kaniyang IG story, mukhang hindi na maganda ang kulay at histura ng karne.

Kaya simpleng tanong ng aktres, ligtas pa bang lutuin at kainin ito? Itinag ni Jennylyn ang opisyal na Instagram account ng supermarket.

"Hello @snr_official, quick question lang bago namin lutuin, safe pa rin ba kahit ganito itsura ng meat n'yo?" text caption ni Jen.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Screengrab mula sa IG ni Jennylyn Mercado

Habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa nag-update ang Kapuso star kung tumugon o kung ano ang aksiyon ng pamunuan ng supermarket tungkol dito. Hindi rin siya nag-update kung itinuloy pa ba nilang lutuin ang naturang karne.