Muling nagbitiw ng kaniyang pagkaklaro ang award-winning actor na si Christian Bables tungkol sa mga naiintriga at patuloy na nang-iintriga sa kaniyang tunay na sekswalidad.

Marami kasi ang bumibilib sa kaniyang pagganap sa gay roles na ginagampanan niya sa mga pelikulang ganito ang tema, kaya napapaisip ang mga netizen kung ano ba talaga ang kaniyang preference.

Matatandaang nilinaw na ni Christian sa maiksing video interview sa kaniya ni Ogie Diaz na isa siyang straight; kung hinahangaan man at ikinalilito na ng mga tao ang kaniyang tunay na sekswalidad sa mga karakter na ginagampanan niya, pinahahalagahan daw ito ng aktor.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/16/christian-bables-epektibo-sa-pagganap-ng-beki-roles-ano-nga-ba-ang-preference/">https://balita.net.ph/2022/11/16/christian-bables-epektibo-sa-pagganap-ng-beki-roles-ano-nga-ba-ang-preference/

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sundot pa niya, kung sakali man daw na magkagusto siya sa same sex, hindi naman daw niya pipigilan ang puso niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/16/christian-bables-straight-man-subalit-bukas-sa-ideyang-ma-attract-sa-same-sex/">https://balita.net.ph/2022/11/16/christian-bables-straight-man-subalit-bukas-sa-ideyang-ma-attract-sa-same-sex/

Bagama't nilinaw na niya ang bagay na ito, tila may ilan pa ring nangungulit sa kaniya tungkol dito.

Kaya naman sa pamamagitan ng serye ng tweets ay inaddress ulit ni Bables ang isyu.

"Nakakatawang interesadong interesado kayong malaman kung ano ba ang 'tunay na gender' ko, na para bang parte yun ng bawat paghinga at pag-utot n'yo. Ok to set the record straight, TOMBOY po ako. Kung hindi pa kayo maniwala, ewan ko na lang mga hinayupak kayo. Good night mga vuhkla," aniya sa tweet noong Nobyembre 25.

https://twitter.com/chrisbables06/status/1595818390052294656

"Kidding aside, mami naman! 2023 na! Sana mag-evolve kasama ng panahon ang brains natin. What you’re doing, my friends, is GENDER STEREOTYPING. Ibig sabihin nakakahon pa rin kayo sa nakaugaliang standards ng kung ano 'lang' dapat ang kilos at itsura ng lalaki at babae. Salot 'yan."

https://twitter.com/chrisbables06/status/1596036468279246848

"This will be the LAST time na papatulan ko ang kamangmangan na ito. Let’s put it this way, WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET. Don’t ask for an explanation coz the world doesn’t revolve around you and your ego. Basta wag kakalimutang rumespeto. Piliing umunawa kesa sa makapanakit. Oki?"

"Imagine how excruciating it is for someone to be mocked and to be made a laughing stock, just because of their looks and their made up as a person na hindi pumasa sa standards at ego ng mga kagaya mong utak munggo. Itigil mo 'yan. Para bago ka mamatay, fresh ka gagu."

"Now let’s talk about my craft as an actor, anong gagawin ko? Hindi ko na lang gagalingan sa mga roles na binibigay sakin para lang pumasok sa standards mo ng pagiging straight na animal ka? Nope. NEVER GONNA HAPPEN. Watch Signal Rock on Netflix. Sarap mong takungin sa cornea eh ❤️," banas na saad pa ni Christian.

https://twitter.com/chrisbables06/status/1596045367878959105

May mga netizen namang sumang-ayon sa kaniya at may ilang mga netizen din ang nagsabing curious lang siguro ang mga tao dahil sa husay na pinamamalas niya sa kaniyang pagganap bilang gay.