Ibinahagi ni Kapuso comedienne na si Pokwang ang litrato ng isang kamote na may kakatwang hugis, na matagal nang viral sa social media at natampok na rin sa iba't ibang social media pages.

"Bakit ganon? Gusto ko lang naman sana magluto ng kamote cue para sa miryenda pero biglang naiba ang pakiramdam ko? parang……iba e! Bakit kaya? Ano ba meron sa kamoteng ito?" caption ni Mamang Pokwang sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 27, na niretweet naman niya sa Twitter account.

View this post on Instagram

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Kung susuriin ay hugis-ari ng lalaki ang naturang kamote, kaya naman natawa na lamang ang mga netizen, gayundin ang ilang kaibigang celebrity tulad nina Vina Morales, singer na si Jay-ar, Ana Feleo, Valeen Montenegro, Marissa Sanchez, Kuya Kim Atienza, at iba pa.

https://twitter.com/pokwang27/status/1596881530009231361

Umani naman ito ng iba't ibang komento mula sa mga netizen.

"Ang kulit mo, Mamang!"

"Shota! 😂 Familiar 'yan, mamang. Hahaha😂😂😂 parang may gusto akong gawin jan bago siya iluto… balatan. Chareez! Hahaha😂."

"Hiwain mo na Mamang hahaha."