Sa kabila ng "panganganak issue" ay nagbahagi ng kaniyang whole body picture ang aktres na si AJ Raval sa kaniyang verified Facebook account kung saan makikitang flat na flat ang kaniyang tiyan at wala umanong bakas ng kahit na anong pagluluwal ng sanggol.

"Taking care of yourself means taking care of your environment 🐝 Thank you @bbcleaningco," saad ni AJ sa caption.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang tinalakay nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang showbiz vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" ang tsinika ng source ni Ogie, na palihim na nanganak na raw ang aktres sa isang payak na ospital sa Pasig City.

Upang hindi raw makilala ng iba pang mga pasyente roon, may takip daw ang mukha nito nang ipasok sa isang emergency room. Hindi na nga raw ito dinala sa delivery room kung saan dapat inilalagak ang mga pasyenteng nanganganak.

Ang itinuturong ama ng kaniyang sinasabing isinilang na sanggol ay ang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica, na nakaabang daw sa labas ng ospital at nasa loob lamang ng kaniyang kotse.

Matapos daw makapanganak ni AJ ay kaagad na itong inilabas ng ospital. Ang ginamit pa nga raw na apelyido ni AJ sa ospital ay "Alvarez", na apelyido sa pagkadalaga ng kaniyang ina.

Na-identify raw na si AJ ang babaeng ipinasok sa emergency room na nakatakip ang mukha dahil sa tattoo sa kaniyang dibdib. Mabuti na lamang din umano at hindi nakita ang tattoo nito sa wetpaks.

Sa tanong naman na bakit walang nakitang baby bump noon sa kaniya, baka naman daw maliit lamang magbuntis si AJ. baka raw kailangan lamang itago ang mga bagay na ito lalo't baka makaapekto sa annulment nina Aljur at estranged wife na si Kylie Padilla.

"I'm sure lalabas din one day si AJ para klaruhin ang lahat ng ito," ani Ogie.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/28/aj-raval-palihim-na-nanganak-na-raw-ispluk-ng-source-ni-ogie-diaz/">https://balita.net.ph/2022/11/28/aj-raval-palihim-na-nanganak-na-raw-ispluk-ng-source-ni-ogie-diaz/

Umani naman ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang latest FB post ni AJ.

"Eto ba ung sinasabi nilang kakapanganak lang? 😂 parang itsura neto gusto pa lang maglihi eh."

"Yung mga marites jan, pasok. Naol kakapanganak lang ganyan ka-fresh at ka-seksi😍😍 ."

"Sana all ganiyan pa rin katawan kahit nanganak na raw hahaha."

"Yung latest pict sana hahaha para maniwala na di ka preggy ba't di ka mag-live. Dati gawain mo naman yun eh para mapatunayan mong hindi ka preggy 'di ba?"

Bago ang naturang post, pinag-usapan din ng mga netizen ang litrato niya kung saan ibinida niya ang Christmas tree at Santa Claus decor sa kanilang bahay.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/28/sa-kabila-ng-intrigang-nanganak-na-raw-aj-nagpasilip-ng-malaking-christmas-tree-santa-claus/">https://balita.net.ph/2022/11/28/sa-kabila-ng-intrigang-nanganak-na-raw-aj-nagpasilip-ng-malaking-christmas-tree-santa-claus/

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni AJ o ni Aljur tungkol dito.