Totoo ngang buntis si "AJ Raval" dahil tatlong linggong delayed siya sa kaniyang buwanang dalaw!

Pero iyan ay sa karakter na ginagampanan niya sa pinakabagong pelikula nilang "Us X Her" kasama sina Angeli Khang at Kiko Estrada, na mapapanood na sa Vivamax, at umere noong Nobyembre 25.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Makikita sa trailer ng pelikula na ipinakita ng karakter ni AJ ang kaniyang pregnancy test sa mister na ginagampanan naman ni Kiko Estrada. Makikitang masaya ang mag-asawa dahil mukhang buntis na ang karakter ni AJ at makukumpleto na ang kanilang binubuong pamilya.

Ngunit pumasok sa eksena si Angeli Khang at nagkaroon ng affair kay Kiko.

Subalit ang mas nakakaloka at plot twist, mukhang magkakasalpukan din ng mga "kuweba" nila sina AJ at Angeli batay sa maiinit nilang eksena.

Sa ngayon, inuulan ng intriga si AJ dahil matapos matsismis na buntis, ngayon naman daw ay nagsilang na siya sa isang payak na ospital sa Pasig City, ayon sa expose ng source ng showbiz columnist-insider na si Ogie Diaz.

Sa kabila nito, nag-post si AJ ng mga litrato niya kung saan makikita ang kaniyang buong katawan.

Hamon naman ng mga netizen, tiyakin lamang daw ni AJ na updated at hindi mga lumang photos ang kaniyang pinagpo-post sa socmed para umano subtle way na ipahatid sa publiko na hindi siya buntis at hindi nanganak.

Pero sabi nga ni Bea Alonzo, "Time is the ultimate truth teller". Malalaman din ang totoo sa pagsasalita mismo ni AJ sa mga susunod na araw.