May ilang araw na umanong nawawala ang Grade 10 student na si Mylene Bulan, 16 anyos, mula sa 102D Tandang Sora Ave., Pasong Tamo, Quezon City at nag-aaral sa Tandang Sora National High School, kaya pinaghahanap na siya ng kaniyang guardian.

"Kung sino man po ang sinamahan ni MYLENE BULAN kung puwde ibalik n'yo. Syia po si MYLENE BULAN, 16 yrs old, nag-aaral po sa TANDANG SORA NATIONAL HIGH SCHOOL."

"Sa mga kamag-anak ng taong sinamahan ni Mylene Bulan pauwiin n'yo po. Parang Awa n'yo na PLS.," pagmamakaawa ng guardian ni Mylene na si Marivic Jamon sa kaniyang Facebook post noong Nobyembre 26, kalakip ang litrato ng school ID ng bata.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

Nakipag-ugnayan ang Balita Online kay Marivic upang alamin ang ilang mga detalye sa pagkawala ng kaniyang pamangkin. Noong Nobyembre 24 pa raw biglang nawala at hindi na umuwi sa kanilang bahay ang dalagita. Magkasama pa sila noong Nobyembre 24 ng gabi sa labas ng bahay upang magpa-load. Subalit wala raw silang dalang pera kaya inutusan niya itong bumalik sa bahay at kumuha ng pambayad sa tindahan.

"Siya po ay nawala noong Nov. 24, 2022 ng gabi. Lumabas po kami para sana magpa-load, noong nasa tindahan na po kami nakalimutan namin ang pera sa bahay kaya siya ay pinabalik ko pero noong inaantay ko po siya hindi na po bumalik sa akin, kaya umuwi na rin po ako ng bahay para hanapin siya pero pag-uwi ko po wala na po siya sa bahay, hindi ko po alam kung may sinamahan siya pero may nakita po ako na mga kachat niya."

Walang ideya si Marivic kung saan posibleng nagsuot si Mylene, subalit sa pagkakaalam niya ay may nobyo ito; iyon nga lamang, hindi naman niya kilala kung sino ang karelasyon ng dalagita.

"Ako po ay nananawagan na kung sino man po ang nakakita o kasama ng batang ito, na sana ay makipag-ugnayan po sa akin para malaman ko kung nasa maayos po siyang kalagayan o kaya sabihan po na umuwi po at nag-aalala kami na mga mahal niya sa buhay."

Larawan mula sa FB ni Marivic Jamon

Sa mga nakakaalam ng kinaroroonan ni Mylene, maaaring makipag-ugnayan kay Marivic Jamon sa numerong makikita sa panawagan.