Kamakailan lamang ay muling nag-viral at pinag-usapan ang litrato ng isang dress na kumakalat sa social media, na nagpatindig sa balahibo ng mga netizen.

Ang naturang dress kasi ay pabago-bago ng kulay, mula sa "blue at black", ilang sandali lamang na ikaw ay nakalingat, at sa muling pagsulyap dito, ito ay "white at gold" na.

Larawan mula sa FB

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Larawan mula sa FB

Ang isa pang nakapagtataka, nagkakaroon din ng ibang pagtingin sa kulay ang mga taong pareho lamang itong tinitingnan.

Ano nga ba ang hiwagang nakapaloob sa naturang kulay ng dress? Batay sa mga kumalat na paliwanag, depende raw ito sa gumagana o dominant na bahagi ng utak ng taong tumitingin dito.

Kapag blue at black ang nakikitang kulay rito, nangangahulugan daw na mas gumagana ang kanang bahagi ng utak o creative at artistic side ng tao. Kapag white at gold naman, nangangahulugang mas nananaig ang kaliwang bahai, o ang analytic at methodological.

Matatandaang nauna na itong nag-viral noong 2015 at sinikap nang sagutin sa isang balita ng ">ABC News. Ayon sa mismong designer ng dress, ang orihinal na kulay ng dress ay blue at black.