Ikakasal na ang aktres si Valeen Montenegro sa kaniyang long-time non-showbiz boyfriend na si Riel Manuel.

Ibinahagi ito ng aktres sa kaniyang Instagram nitong Linggo, Nobyembre 27.

"Easiest YES!!! What seemed to be an ordinary Thursday, unexpectedly turned into my favorite day," sey niya.

"Ladies and Gentlemen.., my Beyoncé! 💍"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa naturang post, makikita ang mga larawan ng kanilang engagement. Makikita rin na napatalon pa sa tuwa ang aktres.

Matatandaang ready naman na magpakasal si Valeen dahil hinihintay na lang niya mag-propose ang kaniyang non-showbiz boyfriend.

Samantala, binati sila ng mga showbiz people sa comment section. Marami rin sa kanila ang excited na sa pagpapakasal ng dalawa.

Congratulations, Valeen and Riel!