Tataas pa at inaasahang papalo na sa mahigit ₱302 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa susunod na bola nito sa Martes ng gabi.

Sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabatid na wala pa ring pinalad na magwagi sa P293 milyong jackpot ng UltraLotto 6/58 na binola nitong Linggo ng gabi.

Wala kasi anilang nakahula sa six-digit winning combination na 36-38-29-07-45-12.

Gayunman, may 21 mananaya ang muntik nang maging multi-milyonaryo matapos na makahula ng tiglimang tamang numero.  Sila ay nakapag-uwi ng tig-₱120,000 na second prize.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo. 

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet at tumaya ng lotto upang magkaroon ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo.

Aniya pa, walang talo sa pagtaya sa lotto ang malaking bahagi ng kita ng PCSO ay napupunta sa kawanggawa.

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.