Usap-usapan ngayon ang litratong ibinahagi ng hunk actor na si Aljur Abrenica sa kaniyang verified Facebook account kung saan makikita ang pagdumog sa kaniya ng ilang kababaihan sa isang event kung saan nag-guest siya, para makapagpa-selfie sa kaniya.

Subalit ang agaw-eksena sa litrato ay ang isang babaeng tila nag-fan girling sa kaniya at naka-jackpot ng halik sa kaniyang leeg.

Kitang-kita naman sa ekspresyon ng mukha ni Aljur na tuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa, at nakangiting humarap pa sa cellphone ng kumuha ng picture sa kaniya.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Good luck sa boyfriend oh asawa nung nasa liig."

"Higop girl HAHAHA damang-dama anong lasa?"

"Ikaw na panalo sis! Hahaha."

"Grabe makahalik si ate ubos na yata amoy ni Aljur hahahahaha."

"Lagot ka kay AJ hahahaha."