Sumabog na naman ang studio ng “It’s Showtime” nitong Lunes matapos magsama-sama sa isa na namang putulan ng litid na pagbirit tampok na partikular sina Anne Curtis, Kim Chiu at Jackie -- kilalang naliligaw ang tono sa pagkanta.

Good vibes muli ang hatid ng noontime show matapos kumasa ang mga host sa trending na “Bakit Nga Ba Mahal Kita.”

Kabilang sa mga naki-jam at nakipagbiritan sina Roselle Nava hit sina Cianne, Tsang Amy, at Karylle.

Sa lalong pagtaas ng kanta, highlight ang hindi naman na challenge nina Jackie, Kim Chiu at Anne Curtis sa trending na mga key change sa kanta.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Dito, kumpiyansang pinangunahan ni Anne ang pagbirit na ginatungan pa ni Kim at Jackie.

Kuwelang hatid sa madlang pipol ang tagpo na nagdala ng good vibes maging sa mga netizen din online.

Ito na ang second round na biritan tampok ang mga host matapos ang viral na “Gusto Ko Nang Bumitaw” na cover nina Cianne, Anne at Kim kamakailan.

Basahin: Anne, Cianne, at Jackie, ‘winasak’ ang career nina Morissette, Sheryn, at Regine – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid