Nag-react si Miss Universe Philippines 2020 at Kapuso actress-TV host Rabiya Mateo sa isang basher na nagsabing mukha raw siyang "cheap" o sa balbal na salita ay tinatawag na "chipipay" o "chipangga".

Ginawan ng TikTok video ni Rabiya ang kaniyang tugon sa naturang basher.

"Replying to @Ginzcorz In a world full of bullies, be kind," aniya sa caption.

Ani Rabiya, sanay na raw siya sa mga mapanlait na komento sa kaniya ng ilang mga netizen, kahit sa kasagsagan ng Miss Universe stint niya. Ito raw ang unang beses na magre-react siya sa isang bastos na komento patungkol sa kaniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"You know what, madam, miss or, hindi ko alam kung paano kita i-aaddress. You know what, you can be the most expensive-looking person but if you're mean or rude, or the way you think or talk to people is not right, I don't think na I want to be somebody like you," ani Ibyang.

"Ako, I'm proud of myself. I'm proud kung paano ako manamit, kung paano ako magsalita, kung paano ako makikapwa tao."

"At baka isipin nyo po na shini-shame ko kayo because of your age, but hindi po ganon. But I hope, sa edad n'yo pong 'yan, marami na kayong natutunan sa buhay. And you should be a good example to your family, to your kids, to your apo kung meron ka na po. Dahil hindi ganyan dapat mag-act sa social media."

"Marami na po kayong pinagdaanan sa buhay, I'm sure of that. And sana you chose to be a good person na makaka-inspire ng ibang tao 'di ba? Pero sige, bigay ko na lang po 'yon sa inyo. If I look cheap, pasensya na po. Pero I will never be somebody like you," kalmante subalit mabigat ang mensahe na saad ni Rabiya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Yung pinangaralan ka ng mas bata sa'yo…"

"Korek, igalang at irespeto mo ang kapwa mo. Yan ang totoong expensive, hindi sa katayuan sa buhay kundi kung paano makipagkapwa-tao."

"Hahaha!!! Akala niya hindi papatol si Queen Rabiya."

"Tama lang 'yan, don't step down sa level nila…"

Sa ngayon ay may mahigit 600K na ang views ng naturang TikTok video.