Pinag-aaralan na ng Pilipinas na bumili ng 15 na Israeli-made a Shaldag Mark V missile boat upang magamit sapagpapatrulyasa karagatan ng bansa.

"We are planning to get 15 additional 'Acero'-class gunboats (to augment the) nine (now on the pipeline)," sabi ni Navy chief Rear Adm. Toribio Adaci, Jr. sa isinagawang send-off ceremony para sa fast attack interdiction craft missiles (FAIC-Ms) BRP Nestor Acero (PG-901) at BRP Lolinato To-Ong (PG-902) nitong Lunes.

Sa pagbili aniya ng pamahalaan ng karagdagang 15 na missile boat, mapupunan na ang pangangailangan nila sa pagpapatrulya sa teritoryo ng bansa.

Gagamitin aniya ng Littoral Combat Force ang FAIC-Ms.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Sinabi ni Adaci na apat pa na FAIC-Ms ang idi-deliver sa bansa sa susunod na taon.

"I don't know the exact delivery dates next year but this shall be throughout (next year)," anang opisyal.

Ang huling tatlong FAIC-Ms na bubuuin sa shipyard ng Philippine Navy saNaval Station Pascual Ledesma sa Cavite, ay inaasahang mapakikinabangan sa 2024.

"Four of the FAIC-Ms will be armed with non-line-of-sight (NLOS) missiles with pinpoint accuracy and a range of 25 kilometers while the other five will be armed with Typhoon-mounted 30mm main cannons and .50 caliber heavy machine guns," aniya.

Idinagdag pa ni Adaci na bahagi lang ito ng inaprubahang proyekto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019 sa ilalim ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines

Philippine News Agency