Isa sa mahuhusay na child star ng kaniyang henerasyon si "Rhed Bustamante" na nakilala at napanood sa iba't ibang shows sa ABS-CBN, gaya ng "FlordeLiza" at pelikulang "Seklusyon" kung saan nasungkit pa niya ang parangal bilang "Child Performer of the Year", at naging nominado pa bilang "Best Supporting Actress" sa Gawad Urian.

Sa kasalukuyan, hindi na gaanong aktibo si Rhed at ineenjoy ang kaniyang pribadong pamumuhay. Subalit aktibo naman siya sa pag-uupload ng kaniyang mga litrato sa kaniyang social media platforms, partikular na sa Instagram.

Marami naman ang nakakapansin sa kaniyang glow up dahil hindi na siya child star ngayon kundi isang teen girl.

Bagay na pinuri din sa isang Facebook page na "Cyberworld Trending" kung saan ibinahagi ang kaniyang mga throwback at recent photos.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Naalala n'yo pa ba ang dating child star na si Rhed Bustamante? Ito na siya ngayon! Grabe naging glow up transformation niya…" ayon sa caption.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Grabe, ang ganda niya… malaki na pala siya."

"Ganda niya!"

"Wow!"

Kahit sa comment section ng kaniyang IG posts, puro papuri din ang natatanggap ni Rhed.

Marami sa mga tagahanga ni Rhed ang umaasam na sana raw ay mabigyan siya ng proyekto, lalo't ang kasabayan niyang child star na si Mutya Orquia ay nakabalik na rin, katambal ng isa pang child star na si Zaijian Jaranilla sa "Mars Ravelo's Darna The TV Series".