Humingi ng paumanhin kay Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos ang dating gobernador ng Ifugao at kandidato sa pagkasenador na si Atty. Teddy Baguilat, Jr. tungkol sa ginawa niyang pagkomento sa umano'y kumalat na pubmat ng panayam sa kongresista tungkol sa paggamit ng puting sibuyas kung hindi available, o namamahalan sa presyo ng pulang sibuyas.

Kapani-paniwala ang kredibilidad ng naturang mga pahayag dahil may logo pa ito ng SMNI Network ni Pastor Apollo Quiboloy.

Screengrab mula sa IG ni Cong. Sandro Marcos

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ibinahagi naman ito ni Baguilat sa kaniyang Twitter at kinomentuhan.

"In short, ang gusto nila sabihin, magtiis kayo. Pag ganyan ang problem-solving skills ng leaders natin, kawawa tayo. Sana solusyonan kung bakit nahihirapan ang farmers kaya nagmahal ang sibuyas," aniya.

Ini-screengrab naman ni Sandro ang tweet ni Baguilat, kinomentuhan, at ibinahagi sa kaniyang Instagram story.

"More fake news, never said this or gave any interview."

"Try harder guys," aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/28/cong-sandro-sinilat-kinomentuhang-fake-news-ni-baguilat/">https://balita.net.ph/2022/11/28/cong-sandro-sinilat-kinomentuhang-fake-news-ni-baguilat/

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Baguilat at kaagad na humingi ng dispensa sa pamamagitan din ng tweet.

"Sorry I have to be more cautious sa fake news. I think the quote attributed to Cong Sandro that I commented is not true. I apologize. My bad. For us who fight misinformation should take the lead in verifying info we shared. I haven’t. Sorry po," aniya.

https://twitter.com/TeddyBaguilatJr/status/1596373929203232768?ref_src=twsrc%5Egoogle%7Ctwcamp%5Eserp%7Ctwgr%5Etweet

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Iyan ang sinasabing i-verify muna ang news o post sa social media bago kumuda para hindi po tayo napapahiya. Nakakahiya!"

"Galit kayo kay Sir Teddy for mistakenly sharing a disinfo but look at him, he's taking accountability for his mistakes. Pero kayong mga apolo10 ni minsan ba naging accountable? Hindi,dahil kahit alam niyong fake news basta about kay Leni, pinapanindigan niyo. Double standard sht!"

"Disinformation at its finest!"

"Lutang moments hahaha."

"Pero grabe naman kasi yung gumawa ng pubmat, kapani-paniwala. May logo pa ng SMNI. Sana mahuli kung sino man ang nasa likod nito.

"Thank you Sir Baguilat for admitting your mistakes. At least nag-sorry at inaming nagkamali siya. Eh yung iba diyan? Nagkamali na nga, nahuli na nga, sige pa rin ang palusot."