Nasamsam ng mga operatiba ng Valenzuela City Police Station- Station Drug Enforcement Unit (VCPS-SDEU) ang kabuuang P816,000 ng umano'y shabu mula sa isang 42-anyos na lalaki sa Brgy. Malanday, Valenzuela City nitong Linggo, Nob. 27.
Kinilala ni Col. Salvador Destura, hepe ng VCPS, ang suspek na si Turin Razul Angkad, residente ng Barangay 33 Tondo, Maynila.
Ayon sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation ang VCPS-SDEU, sa pamumuno ni Lt. Joel Madregalejo, officer-in-charge ng VCPS-SDEU, laban kay Angkad alas-8:15 ng umaga nitong Linggo sa kahabaan ng McArthur Highway malapit sa boundary ng Bulacan, Brgy. Malanday Valenzuela City.
Nabatid na agad na inaresto ang suspek matapos tanggapin ang pera mula sa isang opisyal ng VCPS na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang limang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 120 gramo ng ‘shabu’ na nagkakahalaga ng P816,000, isang cellular phone, isang asul na sling bag, at ang buy-bust money mula sa suspek.
Sinabi ng pulisya na ang mga nasamsam na ‘shabu’ ay isusumite sa Philippine Nation Report- North Police District (PNP-NPD) Forensic Unit, Samson Rd., Sangandaan, Caloocan City para sa quantitative at qualitative analysis.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Diann Ivy Calucin