Isang panalo na ang kailangan ng Magnolia upang makuha ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals matapos padapain ang Meralco Bolts,108-96, sa PBA Commissioner's Cup sa PhilSports Arena sa Pasig nitong Linggo ng gabi.

Rumatsada ang Hotshots sa third quarter dahil sa kinubrang 47 puntos laban sa Meralco na hindi na nakahabol sa buong laro.

Sakaling maipanalong Magnolia ang huling laban nito sa elimination round kontra sa Rain or Shine sa Miyerkules, makukuha na nito ang twice-to-beat incentives.

Nasa ikalawang puwesto na ang Magnolia, taglay ang rekord na 9-2, panalo at talo.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Kumana nang husto si Paul Lee sa naipong 27 puntos, habang ang kakamping si Calvin Abueva ay nagpakawala ng 17 puntos at naka-16 puntos naman ang import na si Nick Rakocevic, bukod pa ang 20 rebounds