Naging emosyunal ang "It's Showtime" host na si Ion Perez sa mga sinabi niyang birthday wish, matapos ipagdiwang sa naturang noontime show ang kaniyang kaarawan sa Saturday episode, Nobyembre 26.

Ang isa ay para sa kanilang co-host na si Vhong Navarro na naka-detain pa rin sa Taguig City Jail kaugnay ng mga kasong kinahaharap.

"Ang ano ko lang naman, wish ko, dahil may dalawang tao kasing malapit sa akin na may pinagdadaanan sila," ani Ion.

"Unang-una ay iyong si Brad Vhong, kasi tol, kapit ka lang. Kasi dumating din ako sa sitwasyon na ganiyan na feeling mo tinalikuran ka ng mga tao."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Wag ka lang bumitaw, tol. Kapit ka lang. Kumapit ka lang sa paniniwala na may mabubuti pa ring tao, tol."

Sumunod naman, para sa kaniyang ateng may stage 4 cancer.

"Kapit lang din tol sa ate ko na may pinagdadaanang sakit ngayon--stage 4 cancer. Ate, kung nanood ka man, wag kang sumuko dahil gusto kong makabawi sa 'yo sa lahat ng sakripisyo mo sa akin."

"Kapit lang, ate. Kasi gusto na niyang sumuko pero sabi ko, 'Kapit lang, ate, kasi gusto ko makabawi sa'yo. Kasi sa loob ng ilang taon, mas pinili niyang tulungan kami kaysa magkaanak, kaysa magkapamilya. Sinacrifice niya buong buhay niya… sana lumaban ka," ani Ion.

At siyempre, kinalamay naman ng It's Showtime hosts ang kaniyang damdamin, lalo na ang kaniyang partner na si Vice Ganda.

"May God grant all of your wishes today," saad ni Vice.

"We will pray for your ate!" sundot naman ni Tyang Amy Perez.