Naghahabol pa ang Ginebra San Miguel para makuha ang twice-to-beat advantage kung saan sasagupain nito ang NorthPort Batang Pier sa PBA Commissioner's Cup sa PhilSports Arena nitong Linggo ng gabi.

Taglay ang 7-3 record at nasa ikaapat sa team standing, inaasahang puwersahinng Ginebra na matalo ang Batang Pier na hawak ang barahang 6-5 at nasa ikalimang puwesto, kasama ang San Miguel.

Inaasahang sasandal na naman ang Gin Kings sa resident import na si JustinBrownlee, Jamie Malonzo, Scottie Thompson, Japeth Aguilar at Christian Standhardinger.

Sa kanilang laro nitong Nobyembre 25, natalo ng NLEX Road Warriors ang Ginebra, 120-117.

Eleksyon

Willie kaya nagbago-isip sa pagkandidato: 'Kawawa mga Pilipino!'

Isa pa ang natitirang laro ng Ginebra sa Miyerkules kung saan tatapatan nito ang Converge.

Bukod sa Barangay Ginebra, naghahabol din para sa twice-to-beat incentives ang Magnolia na kailangan na lang manalo sa dalawa pang laro.

Tangan ng Magnolia ang 8-2 record.

Nasa tuktok naman ang guest team na Bay Area Dragons sa 10-2 record, at nakuha na ang twice-to-beat matapos itumba ang TNT Tropang Giga nitong Miyerkules.