Tiniyak ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire nitong Sabado na nananatili pa ring low risk ang healthcare utilization rate (HCUR) ng bansa, sa kabila ng deteksyon ng BQ.1 subvariant ng Covid-19.

Matatandaang nitong mga nakalipas na araw ay marami ng mga bagongCovid-19variants at subvariants ang natukoy na nakapasok na sa bansa, kabilang na rito ang BQ.1 subvariant.

Sa isang pahayag, sinabi naman ng DOH na natural lamang na patuloy na lilitaw at magsusulputan ang mga bagong variants ng virus dahil sa patuloy na transmission o hawahan nito.

Ayon pa sa DOH, ang paglimita sa pagkalat ngCovid-19at pagtiyak ng updated protection sa pamamagitan ng pagbabakuna, ang isang depinitibo o tiyak na pamamaraan upang maiwasan ang emergence o muling pagsulpot ng virus.

National

‘Big Boss’ ng POGO sa Bamban at Porac, Tarlac, arestado na

Dapat rin anilang patuloy na palakasin ang mga umiiral na management at surveillance systems na siyang susi upang makapamuhay tayo sa new normal, kasama angCovid-19.

“We have to start demystifying variants. Viruses naturally mutate with continued transmission–this is a natural occurrence. Alam din natin at ng ating mga eksperto iyan, kaya ang mas importante talaga ay pigilan ang pagpasa ng virus para maiwasan ang pag-mutate nito, at lalong importante na laging handa ang ating healthcare system to respond to these emerging variants,” paliwanag pa ni Vergeire.

Paniniguro pa niya, ang HCUR ng bansa ay nasa low risk pa rin.

Sinimulan na rin aniya nila ang mga preparatory activities upang matiyak na nakahanda ang triage system at available ang mga health facilities sakaling may maobserbahang pagtaas sa healthcare utilization rates sa bansa.

Bukod rin anila sa pagtiyak na sapat ang health system capacity ng bansa upang tugunan ang pagsusulputan ng mgaCovid-19variants at subvariants, mahalaga rin na palakasin ang local at international surveillance at data-sharing systems upang matiyak na ang natural emergence ng variants ay makikita, mapag-aaralan at magagamit upang ma-update ang mga bakuna laban saCovid-19.

Pagtiyak pa ng DOH, ang lahat ng mga bakunang ginagamit ngayon laban sa anumang variants ngCovid-19ay nananatiling epektibo para maiwasan ang pagkakaroon ng malala at kritikal na sakit, gayundin ang pagkamatay dahil saCovid-19.

“The science ofCovid-19is evolving–araw-araw may bagong datos na inaaral ang mga eksperto. Despite this, what is clear to us is that our layers of protection continue to be effective againstCovid-19and its variants. Particularly for vaccines, the challenge is ensuring that they remain effective against these emerging variants. This is why it is crucial that we continue bolstering our surveillance systems and participating in global surveillance data-sharing initiatives and platforms, like GISAID, because this data is what vaccine manufacturers study and use to update vaccines, ensuring that we are always a step ahead,” ani Vergeire.

“As of now, all our vaccines continue to be effective against severe cases caused by detected variants. This is why we continue to appeal to our kababayans to get vaccinated and boosted againstCovid-19on top of other layers of protection, to minimize transmission and in effect, the emergence of new variants,” dagdag pa niya.