Tila nabigla ang showbiz columnist na si Ogie Diaz sa presyo ng lata ng sardinas ngayon ayon sa kaniyang tweet kahapon ng Biyernes, Nobyembre 25.

Saad niya, ang isang lata ng sardinas ngayon ay nasa ₱23 na.

"Juice ko, 23 pesos na ang sardinas ngayon. Di bale sana kung kasama na ang ulo ng isda. Sad, no?," saad ni Ogie sa kaniyang tweet.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

https://twitter.com/ogiediaz/status/1596074717697671168

Mataas ang halos lahat ng presyo ng mga produkto ngayon dahil sa epekto ng implasyon.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Nagulat din nga po ako nung bumili ako ng banana cue eh 25 pesos na isang stick."

"And how can you help solve the problem? Or, should I ask you? What is causing the inflation? Is it unique to the Philippines?"

"Kahit saan ngayon ang taas ng bilihin unano na lang ang hinde tumataas…"

"Sardines and instant noodles everyday and after 10 years you will line up at a dialysis center…"