Nag-host ng birthday party ang pamahalaang lungsod ng Las Piñas para sa dalawang bata na nawalan ng bahay dahil sa sunog sa Julius Compound sa Barangay Pulanglupa Uno noong Nobyembre 18.

Nagsagawa ng birthday party si Mayor Imelda Aguilar para sa celebrants na sina Nathan Acrobilla at Samuel Adolfo na kabilang sa 80 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog.

Nakiisa rin si Vice Mayor April Aguilar sa kiddie party ng dalawang bata nitong Biyernes, Nobyembre 25.

Sinabi ng bise alkalde na namigay sila ng Jollibee packed meals, loot bags sa mga pamilyang pansamantalang tumutuloy sa Mapayapa Village covered court.

Metro

Manugang na sinilaban ng buhay ang biyenan, patay na rin matapos lunukin handle ng toilet brush

Present din sa naturang party ang mascot ni Jollibee. 

Jean Fernando