BACOLOD CITY – Pinagbabaril ang isang hinihinalang magnanakaw at tulak ng droga umaga sa Purok Kingfisher A, Barangay 16 dito noong Biyernes, Nob. 25, isang araw matapos umano itong magbenta ng pekeng shabu noong Huwebes, Nob. 24.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mark Christian John Luceño, 31, ng Barangay 35 dito.

Sinabi ni Major Ramel Sarona, hepe ng Police Station 1, na nakaupo si Luceño sa isang pedicab nang dumating ang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima sa ulo na ikinamatay nito on the spot.

Ayon kay Sarona, napag-alaman sa imbestigasyon na ang biktima ay nagkaroon ng alitan noong Huwebes sa isang customer na nagreklamo na binentahan siya ng alum powder o ‘’tawas,’’ isang deodorant, sa halip na shabu.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ng hepe ng Police Station 1 na tinitingnan nila ang sama ng loob kaugnay sa iligal na droga bilang posibleng motibo sa pagpatay.

Sinabi ni Sarona na nasa kanilang drugs watch list ang biktima at may mga rekord ng pagnanakaw sa Barangay 16, 35, at mga katabing barangay dito.

Dati nang nakakulong si Luceño at nakalaya matapos ang kanyang sentensiya, dagdag ni Sarona.

 Glazyl Masculino