Kinakiligan at kinaaliwan ng mga netizen ang unang wedding anniversary message ni online personality at Team Payaman member na si "Boss Keng" para sa misis na si Pat Velasquez-Gaspar dahil sa "wild" at "naughty" nitong mga pick-up lines o hirit.

"Happy 1st wedding anniversary love!," saad sa caption ni Boss Keng.

"Yung message na sweet sa personal na lang. Baka makita pa ng mga makakabasa nito eh. 😂."

"Sa ngayon eto lang masasabi ko."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Hayaan mo pag naging baka ka bibilhin kita agad para ako lang ang kumain sayo. 😂"

"Or kung ayaw mo naman,"

"Sana maging damo na lang ako tapos kainin mo ko."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Aw wild! Happy Anniversary."

"Happy Anniversary love birds na mahilig kumain."

"Ang haharot nyo naman huehue. Happy anniversary Kengpat!"

"Jusko magkainan na lang po kayo jan hehehe.. Happy happy anniversary to you both."

"Ang kalaaaat! Happy anniversary love birds."