Isang lalaking guro mula sa pampublikong paaralan sa elementarya ang dinakip ng mga awtoridad mula sa Sta. Cruz, Laguna matapos magtulak ng ilegal na droga.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, pagkatanggap ng bayad ay agad na sinakote ng mga pulis ng Sta. Cruz, Laguna ang lalaking gurong si John Paul Acosta na nagtuturo sa umaga subalit sa gabi ay nagtutulak ng ipinagbabawal na droga. 16 na sachet ng shabu umano ang nakuha mula sa kaniya sa isinagawang buy-bust operation noong Nobyembre 18.

Ayon sa panayam kay Chief of Police ng Sta. Cruz na si P/Maj. Gabriel Unay, tuwing gabi raw ay ginagawang sideline ng guro ang pagtutulak ng droga tuwing gabi, o pagkatapos ng kaniyang pagtuturo sa paaralan.

Bukod daw sa pagtutulak ng droga, pinagagamit daw umano ng suspek ng ipinagbabawal na gamot ang kaniyang mga partner o inuupahang babae bago sila gamitin.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Sa isang video ay labis umanong nagsisisi ang guro sa kaniyang ginawa, at nagbigay pa ng mensahe para sa kaniyang mga mensahe.