May kabuuang 1,874 pang katao ang nahawaan ng Covid-19 virus, iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Sabado, Nob. 26.

Ang mga kaso na ito ay nagdala ng bilang ng mga aktibong impeksyon sa buong bansa sa 18,348, tulad ng ipinapakita sa Covid-19 tracker ng DOH.

Ang mga rehiyon na may pinakamataas na naitalang impeksyon sa nakalipas na 14 na araw ay ang National Capital Region na may 3,418 na kaso, sinundan ng Calabarzon na may 1,801; Kanlurang Visayas na may 1,162; Central Luzon na may 994; at Central Visayas na may 982.

Ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso mula noong 2020 ay nasa 4,032,326.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Sa kabuuan, sinabi ng DOH na 3,949,407 pasyente ang naka-recover mula sa Covid-19. Gayunpaman, ang viral diseased ay kumitil na ng buhay ng nasa 64,571 katao.

Pinaalalahanan pa rin ng DOH ang publiko na magpabakuna laban sa Covid-19.

“As wearing of mask are now optional, the more we need to get vaccinated and boosted as these remain to be our best defense against Covid-19,” anang DOH.

Analou de Vera