Usap-usapan sa iba't ibang social media pages ang maiinit na eksena nina Jay Manalo at Angeli Khang sa Vivamax original movie na "Selina's Gold" na umere pa noong Oktubre 28.

Ito ay kuwento ng isang dalagitang ipinambayad sa pagkakautang ng kaniyang mga magulang sa isang mayamang lalaking bumibili ng ginto na si "Tiago" na ginampanan ni Jay Manalo na sumikat sa paggawa ng iba't ibang sexy movies.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naloka ang mga netizen sa mga kumalat na screengrab mula sa pelikulang eksklusibong mapapanood lamang sa Vivamax, lalo na ang tungkol sa "gatas ng kalabaw".

Sa trailer pa lamang ay halos lumuwa na ang mga mata ng mga netizen sa maaalab na eksena nina Jay at Angeli. Talagang nakipagsabayan si Angeli kay Jay na kilala sa bansag na "Totoy Mola".

Bagama't maaalab ang mga eksena, sinabi ng mga netizen na totoo umanong nangyayari ang mga ito lalo na sa probinsiya at liblib na lugar kung saan mga dalagitang anak ang ipinambabayad sa pagkakautang.