Usap-usapan ngayon ang video kung saan nakapanayam ang GMA news anchor at host ng drama anthology na "Magpakailanman" o MPK na si Mel Tiangco tungkol sa malapit nang pamamaalam sa ere ng karibal nitong show na "Maalaala Mo Kaya" matapos ang 31 taon, na ikinokonsiderang "longest-running drama anthology show" sa bansa.

Makikitang nagulat si Mel sa tanong sa kaniya ng isang reporter kung aware ba siyang matitigbak na sa ere ang katapat na show, matapos itong i-anunsyo mismo ni Charo. Hanggang Disyembre 10 na lamang ang pag-ere ng huling episode nito.

Ayon sa MPK host, nalulungkot siya kung totoo man daw ito, lalo na para kay Charo. Aniya pa, wala na umanong makakatalo o makakatibag pa sa MMK dahil ito ay "classic of its own", at ang sinumang show daw na makatapat nito ay nanginginig na sa takot at magdarasal na sa mga santo. Ang panayam ay ibinahagi ng manunulat na si Salve Asis.

"I'm sad… I'm sad…" bulalas ni Mel.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

"I don't like that… I don't like that… kasi ano na 'yang Maalaala Mo Kaya… classic na kumbaga."

Nasabi pa ni Mel na sana raw ay hindi ito totoo.

Matatandaang matagal nang panahong magkatapat ang MMK at MPK kahit noong nasa Huwebes ng gabi ang time slot ng mga ito.

Bago maging Kapuso ay isa munang Kapamilya newscaster si Mel subalit nagkaroon sila ng di-pagkakaunawaan ng management dahil sa paglabas niya sa isang endorsement, na mahigpit na ipinagbabawal sa kaniyang kontrata bilang bahagi ng News and Current Affairs ng ABS-CBN.