Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen ang larawan nina Cesar Montano at dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na ipinost ng VinCentiments para sa pelikulang "Martyr or Murderer."

Matapos ang 'Maid in Malacañang,' gaganap mulisi Cesarbilang Ferdinand Marcos, Sr.at si Isko naman ang gaganap bilang Ninoy Aquino.

"ANG IKALAWANG BAHAGI NG PINAKAMATAGUMPAY NA PANDAIGDIGANG PELIKULANG PILIPINO NG 2022," saad ng VinCentiments sa kanilang caption.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Hindi rin nagpahuli ang direktor nitong si Darryl Yap, aniya, "magvitamins kayo, di nyo to kakayanin."

Umani ng iba't ibang reaksyon ang umano'y 'powerful picture' ng dalawang showbiz personality.

"Ang galing nung vibes.. kuha ung tension sa dalwa.😃"

"Wow dami na po kming nag hihintay ng MIM Part II , dto sa Italy🇮🇹"

"Akala ko si Dahmer ang gumanap na ninoy"

"I love it sure blockbuster na nmn ito❤️❤️❤️🙏🙏"

"This is it hintayin parin nmin yan dito sa hk, na enjoy kmi sa panood nmin subrang dami nanood khit mga Chinese nkasabay nmin sa cenema nanood din cla ng Maid in MALACAÑANG. Congrats direk❣️"

"Akala ko si James Yap ang gaganap na Ninoy hahaha🤣"

"Kelan kaya ito mapanood, waiting kmi dtonsa Saudi Arabia Direck Darryl Yap👏👏❤️💪✌️✌️"

"Mata palang ni Yorme pang Trayduran na🤣😂🤣😂Dami na nakaabang. Kaka Excite panuorin👍🏽👍🏽👍🏽👍🏽💥"

"Solid! Feeling ko mas malalagpasan pa nito yung MIM!"

"Cesar Montano pa rin as FEM.🔥He will get the role again in a heartbeat.❤"

"Inglisero si Ninoy, with american accent pa & ang bilis mag salita. It would be interesting how Isko will channel that. He deserves best actor award if he can🙂"

"i love you na talaga Direk ang galing mong pumili ng casting.. Kudos!rambulan na naman to sa February"

"Hindi ko pa nga napapanood ang MIM direk.. may MOM na agad... Wait lang naman direk... Onboard pa ako.. january pa uwi ko..😅😅😂🙈"

"The best thing to do to those who will be affected by this movie, is prepared a lot of antidepressant and hypertension pills, or take anger management therapy, just in case."

"Galing Ng bida tablahan ha ha"