"Teka, 'parang di ko yata kaya'"

Naospital kamakailan ang singer-actress na si Jessa Zaragoza dahil sa kinain niyang tirang pasta. Kwento niya, nagkaroon siya acute gastroenteritis dahil dito.

Ibinahagi ng singer ang nangyari sa kaniyang Instagram post noong Nobyembre 23. Aniya, namimilipit daw siya sa sakit dahil grabe raw ang pananakit ng tiyan niya.

"Maiba naman na post. Ito hindi glamorous😅 Daming scheds yesterday, akala ko kaya ko nung hapon, pero sabi ko nung pagabi na, teka “Parang di ko yata kaya” 😅 Di ko na keri! So we went straight to the ER at Cardinal Santos," kuwento ni Jessa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Turns out it was Acute gastroenteritis with Mild dehydration. Grabe yung pain sa upper stomach. Namimilipit ako sa sakit. As in. ER doctors asked me, ano yung level ng sakit from 1-10. Sabi ko 10. The pain was no joke. They had to rule out if it was pancreatitis, because of the region of where the pain was coming from was a cause for concern for that," dagdag pa niya.

Ang tingin daw niyang nakadale sa kaniya ay 'yung kinain niyang tirang pasta.

"Thank GOD, that was not the case. Ang tingin kong salarin, ay yung pasta na nakain ko the day before😭 may tama na siguro. Ok pa ang lasa pero nag multiply na siguro ang bacteria duon ng di ko nakikita," aniya.

Gayunman, pinauwi rin naman siya agad ng doktor. 

"I’m home now, resting. Kakapanghinayang lang din, nacancel mga scheds na dapat kong tapusin😰 I have to get better first. Sana as soon as possible🙏🏻😫 Ang hirap magkasakit. Lesson learned; Ingat sa mga kinakain, lalo na sa lagay ng pasta."