Flinex ni Neil Arce sa kaniyang Instagram story ang early Christmas gift ng kaniyang misis na si Angel Locsin.

Sa Instagram story ni Neil nitong Biyernes, Nobyembre 25, flinex niya ang isang golf cart. 

"Early Christmas surprise from the wife," sey niya sa caption.

"Thanks my love, @therealangellocsin," dagdag pa niya. 

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

screenshot (Neil Arce/IG)

Kamakailan, umusbong ang balita na hiwalay na sila ng aktres dahil sa matagal na pananahimik nito sa social media. 

Marami rin ang naghanap kay Angel sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa noong Oktubre, lalo’t kilalang mabilis at umaaksiyon kaagad ang aktres sa paghahatid ng tulong sa mga biktima.Sa isang panayam, sinabi ni Dimples Romana na isa sa malalapit na kaibigan ni Angel na deserved naman ng kaibigan ang kaniyang pananahimik o hiatus sa social media.

Ayon pa sa aktres, nakakausap niya naman ang kaibigang si Angel at mister na si Neil, at maayos naman daw ang relasyon ng dalawa.

Noong Nobyembre 17, nagsalita na si Neil hinggil sa isyu. Pinatutsadahan niya ang mga umano'y fake news peddlers.

“Me and my wife are charitable people. Donation na po namin sa fake News peddlers yang kikitain nila sa pagpakalat ng fake News,” seyniya.

“Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan,” patutsada pa nito.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/11/17/neil-arce-pinatutsadahan-ang-mga-fake-news-peddler/