Binisita ni Binibining Pilipinas 1st runner up Herlene Nicole Budol ang puntod ng kaniyang lola matapos ang mga pinagdaanan sa Miss Planet International, kamakailan.

Ibinahagi ni Herlene sa kaniyang Facebook account ang larawan niya kung saan nakahiga siya sa tabi ng puntod ng kaniyang Lola Bireng. 

"Nasumbong ko na lahat kay nanay," sey niya sa caption ng post nitong Huwebes, Nobyembre 24.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon pa sa beauty queen, ang lola raw niya ang sumbungan niya. Palagi raw itong nakikinig at naniniwala kay Herlene.

"Dati kasi siya yung sumbungan ko. Siya yung nakikinig at naniniwala sa akin. Ngayon I feel na hindi lang ako nawalan ng lola, magulang, nawalan din ako ng kaibigan," emosyonal na sabi ni Herlene.

"Kaya kahit wala ka na sa tabi ko alam kong ikaw pa rin ang kakampi ko. Alam kong mas madalas kitang kasama kaya nakauwi ako nang safe," mensahe niya sa kaniyang lola.

Matatandaang nag-withdraw na si Herlene mula sa Miss Planet International pageant dulot ng mga nangyari aberya rito.

Sa isang Facebook post, inihayag ni Wilbert Tolentino na sa kabila ng pakikipag-ugnayan para maayos ang mga naging gusot sa pageant, mas minabuti nitong i-withdraw na lang si Herlene sa pageant.

“Due to uncertainties by the organizers, I have decided to withdraw Herlene Hipon Budol from the competition despite numerous attempt to fix some pageants debacles. It seems like the Ugandan Government has no initiative to intervene,” saad ni Tolentino.

“We apologize to the supporters, who were rooting for since day one. To the team, sponsors, and designers. Thank you and I am sorry. Thank you to the Filipino community in Uganda for the comfort and well wishes,” dagdag pa niya.

Labis din ang panghihinayang ni Tolentino dahil aniya, hindi lang korona ang nawala sa kanilang team kung di, pera at oras para paghahanda sa laban sana ni Herlene.

“For me as, MPP National Director, I an very hurt, Not only we lost a crown, lost of money, lost of effort; but lost of time. But we will never lose hope, because we have bright future back home awaits,” aniya. “This is indeed a traumatic experience for all of us, but we fought for it until the end. And that is our mission.”

Samantala, kamakailan lang tila magpapaalam na si Herlene sa mga beauty pageant matapos itong maghayag ng isang cryptic post.

Inupload niya sa kaniyang Facebook page ang larawan niya kung saan makikitang rumarampa siya sa Binibining Pilipinas pageant noong Hulyo 31.

“The end,” simpleng caption ni Herlene.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/11/24/good-bye-na-sa-beauty-pageant-herlene-budol-may-pa-cryptic-post/