Hindi lang pala si Heaven Peralejo ang "jumackpot" at nakasingit sa mahabang pila para sa heartthrob-leading man na si Ian Veneracion kundi maging si Miss Universe Philippines 2020 at Kapuso actress-host Rabiya Mateo!

Kung pinag-usapan ang maiinit na eksena nina Papa Ian at Heaven sa kanilang upcoming movie na "Nanahimik ang Gabi" na kasali sa 2022 Metro Manila Film Festival, iba rin ang kilig na dulot ng tambalang Rabiya at Ian sa kanilang digital movie na "One Good Day" na mapapanood sa online streaming app na "Prime Video PH".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/23/ian-sobrang-wild-pinosasan-halos-papakin-si-heaven/">https://balita.net.ph/2022/11/23/ian-sobrang-wild-pinosasan-halos-papakin-si-heaven/

Kapansin-pansin kasi ang "makalaglag-panty" na titig ng aktor sa kaniyang leading lady na isang beauty queen!

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Ibinahagi ni Rabiya ang litrato nila ni Ian habang magkatitigan.

"Papa @ianveneracion1 please wag mo naman ako tignan ng ganyan.🙈🙈🙈," saad ni Rabiya sa caption.

"PS, pumila po ako," sundot pa niyang hirit.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. Sino nga naman daw ang hindi matutunaw sa mga titig ng isang Papa Ian?

"Anong express lane ito? Otw HAHAHA."

"Una si Heaven, ngayon naman si Rabiya? Nasaan ba kasi ang pila na 'yan?"

"Kainis!"

"Childhood crush ko siya eh… bakit ang guwapo pa rin kahit may edad na!"

"Naka-fast lane si Madam!"

"San po ba hulihan ng pila?"

"Hoy Rabiyaaaaaaaaaa!"