Muling ibinabahagi at pinag-uusapan sa social media ang throwback photo ng "Phenomenal Loveteam" na "AlDub" nina Alden Richards at Maine Mendoza kung saan makikitang may anak na kambal ang dalawa batay sa lumabas na ultrasound.

Ang naturang Facebook post ay makikita mismo sa opisyal na Facebook page ng "Eat Bulaga" noon pang Nobyembre 26, 2016. Sa taong ito, tapos na ang "Tamang Panahon" o tuluyang pagkikita nina Alden at Maine, na maituturing na makasaysayan sa Philippine television, at ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan.

"Yey! Kambal pala ang magiging anak ni Mr. and Mrs. Richards!" saad sa caption.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Sa panahong ito ay "nagpakasal" na rin ang AlDub.

Kaya naman, maraming nagsasabi na marahil, ito raw ang pinagbabatayan ng mga "mala-kultong" grupo ng mga tagahanga ng AlDub kaya naniniwala silang may kambal na anak sina Alden at Maine at tinatago lamang nila, kahit na mismong si Maine na ang nagklarong "fictional" lamang ang lahat.

Sey tuloy ng mga netizen, iyan daw ang pinaniniwalaan ngayon ng mga "baby boomers" na AlDub fans.